Monday, August 3, 2015

Typhoon Yolanda (DSWD-ESA Distribution) Part 2

Credit to photo owner (downloaded from www.google.com).
Sa aking patuloy na pananalisik at pakikipag-usap, marami pa akong nakilalang tao sa pamamagitan ng facebook. At akin pang natuklasan lalo kung paano minanipula ang listahan ng mga benepisyaryo ng ESA ng DSWD.

Base sa mga taong aking nakapanayam, ay kinausap sila ng asawa ng kapitan ng Bgy. Kawayan bayan ng Kananga sa Leyte ng ililista sila bilang TOTALLY DAMAGE upang makatanggap ng halagang dalawampong libong piso (Php 20,000) sa kondisyong ibibigay nila ang limang libong piso (Php 5,000) sa asawa ng kapitan. At ito ay kinompirma ng iba pang aking nakausap.

Nais mang magsalita ng mga ito ay pinapangunahan sila ng takot...

Sa kabilang banda, hindi ako tumigil na manghingi ng inpormasyon sa kanila. Tinatamad man sa kakahintay sa aksyon ng DSWD ay patuloy akong umaasa na ito ay kanilang masusulusyonan.

Pagkalipas ng mga ilang araw, nakatanggap ako ng mensahe mula kay Ginoong Sumayang na muli raw ngapadala ng tauhan ang DSWD upang humingi ng karagdagang inpormasyon mula sa mga tao.
Muling nabuhayan ako ng loob. Ngunit hindi pa rin maiwaglit sa aking isipan kung kailan ba ito aaksyonan ng ahensya ang ganitong kabaluktutan na nagaganap sa bayan ng sinalanta ni Yolanda.

May pag-asa pa kayang maparusahan ng mga taong mapagsamantala o matatabunan nalang ng panibagong isyu?


No comments:

Post a Comment