Monday, August 3, 2015

Typhoon Yolanda (DSWD-ESA Distribution) Part 2

Credit to photo owner (downloaded from www.google.com).
Sa aking patuloy na pananalisik at pakikipag-usap, marami pa akong nakilalang tao sa pamamagitan ng facebook. At akin pang natuklasan lalo kung paano minanipula ang listahan ng mga benepisyaryo ng ESA ng DSWD.

Base sa mga taong aking nakapanayam, ay kinausap sila ng asawa ng kapitan ng Bgy. Kawayan bayan ng Kananga sa Leyte ng ililista sila bilang TOTALLY DAMAGE upang makatanggap ng halagang dalawampong libong piso (Php 20,000) sa kondisyong ibibigay nila ang limang libong piso (Php 5,000) sa asawa ng kapitan. At ito ay kinompirma ng iba pang aking nakausap.

Nais mang magsalita ng mga ito ay pinapangunahan sila ng takot...

Sa kabilang banda, hindi ako tumigil na manghingi ng inpormasyon sa kanila. Tinatamad man sa kakahintay sa aksyon ng DSWD ay patuloy akong umaasa na ito ay kanilang masusulusyonan.

Pagkalipas ng mga ilang araw, nakatanggap ako ng mensahe mula kay Ginoong Sumayang na muli raw ngapadala ng tauhan ang DSWD upang humingi ng karagdagang inpormasyon mula sa mga tao.
Muling nabuhayan ako ng loob. Ngunit hindi pa rin maiwaglit sa aking isipan kung kailan ba ito aaksyonan ng ahensya ang ganitong kabaluktutan na nagaganap sa bayan ng sinalanta ni Yolanda.

May pag-asa pa kayang maparusahan ng mga taong mapagsamantala o matatabunan nalang ng panibagong isyu?


Wednesday, July 15, 2015

Origin of Post - Typhoon Yolanda (DSWD-ESA Distribution)



Image dowloaded from www.google.com
Original post from facebook account of Jc Sumayang Ebetuer on June 03, 2015. This is posted upon his permission. Translation will be posted soon.

Bgy. Kawayan, Kananga, Leyte - Unsang hitabu-a nga murag gi-manipula man ang listahan sa Emergency Shelter Assistance (ESA) nga gi-submit didto sa DSWD. Naay balay nga napapha tanan pero gihimo ra mang "partially damage". Unya naay balay nga guba lang ug gamay gihimong "totally damage." Pero ang worst case kay naay nangipon ra sa ginikanan unya gihimong "totally damage". As per instructed by the DSWD-Eastern Visayas, bisan nagbarog ang balay basta nahurot ug katangtang ang atup it will be tag as "totally damage". Ug katong nangipon ra ug balay it will be automatically tag as "partially damage." Isip usa ka lumulupyo sa Barangay ug ang imong balay napapha ni ‪#‎YolandaPH‬ unya gi-tag ra ka as "partially damage", mo reklamo gyud ka sa Kapitan kay mao may amahan sa atong Barangay. There was an instance that a resident was complaining to their Barangay Captain that they were tag as partially damage were their house was totally devastated by the typhoon and the captain said "nganong magreklamo pa man mo? kalooy na man lang gani na nako nga gilista ta pa mo kay daghan na kaayo ug hinabang nga gihatag. Dili ta na mo hatagan (ESA), way magbuot nako."

Una sa tanan, ang Emergency Shelter Assistance (ESA) was funded by the National Government ug kini ihatag sa tanang tawo nga na-biktima ni Yolanda pinaagi sa government agency nga DSWD. Dili kani gikan sa LGU. So meaning, dili kini nimo angay ihakog sa mga tawo kay dili man kini gikan sa imong bulsa. Gikan kini sa mga hinabang sa laing nasod ug sa mga ‪#‎TAX‬ nga gibayad namong mga ‪#‎TAXPAYER‬. Ayaw pagmugna-mugna ug kaugalingon nimong patakaran. Donation should be distributed fair and just. Dili kay kato rang mga kaalyado nimo sa politika maoy imong panggaon ug hatagan. Kay dili lang sila ang nabiktima ni Yolanda.

Ikaduha, isip usa kaamahan sa barangay you should not responce that way towards your people. Kay ikaw naa sa pwesto ug gihatagan ka ug honorarium sa gobyerno ug gibutaran ka usab sa mga katawhan "to serve the people." Don't act like you a king because you are suppose to serve the people of your community.

Ikatulo, leave the politics behind kay dili man karon panahon sa eleksyon. Kamo nga naa pwesto, your goal should be "to help and serve the people of your community." Silbihi ang mga tawong mi-botar man sa inyo ug sa wala. Coz that is the reason why you are running for a position in the government, not unless that you are just hungry for the power.

Ikaupat, para sa tanang mga botante, dapat inyong pili-on pag-ayo ang inyong ibutang sa pwesto. Ayaw kamo kahangol sa usa kalibo (Php1,000) nga ihatag sa inyo inig eleksyon. Do not vote for a politician that the only goal is the power of its position. Ayaw kamo pagpili ug mga tawo nga way alamag sa "leadership." Pili-a ninyo ang tawo nga mo barug isip usa ka lider ug dili usa ka hari.

And the end of it all, kamo ra gihapon ang mabulahan sa tanan kong mo pili kamo ug tawo nga naay kapasidad, abilidad ung kalaaman sa pagpangulo sa atong barangay.


Note:
This post was sent via email to DSWD-Eastern Visayas and tweeted to @dswdserve



Wednesday, July 8, 2015

Typhoon Yolanda (DSWD-ESA Distribution)

Credit to photo owner (downloaded from www.google.com).
Leyte - Bagyong Yolanda, ang pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan ng sangkatauhan. Maraming Filipino ang namatay at naghirap pagkatapos ng delubyo. Walang pinili, mayaman man o mahirap. Bumuhos ang tulong na natanggap ng ating gobyerno mula sa iba't-ibang bansa mula sa buong mundo.

Pagkatapos ng mahigit kumulang sa dalawang taon, handa ang gobyerno upang ipamahagi ang mga donasyon sa mga biktima ng trahedya sa pamamagitan ng DSWD (The government institution responsible for the protection of social welfare rights and promotion of social development).

Mula sa mga nakalap na listahan na isinumite ng bawat barangay ang naging basehan ng ahensya sa pamamahagi ng karampatang tulong na matatanggap ng mga benepisyaryo. Ngunit ang mga ito ay nabahiran ng kurapsyon at pandarambong sa taong bayan...

Sa patnubay ng DSWD ang pamamahagi ng ESA (Emergency Shelter Assistant) ay mayroong tinatawag na TOTALLY DAMAGE kung saan malaking bahagi ng iyong pamamahay ay lubos na nawasak ng bagyo. At PARTIALLY DAMAGE kung kaunting bahagi lamang ng iyong pamamahay ang nasira at kung ikaw na nakatira lamang sa iyong magulang o kamag-anak. Ngunit kung ikaw ay nakatanggap ng ng mga donasyon mula sa ibang pribadong ahensya at ang iyong bahay ay natapos na, ikaw ay hindi na maaring tumanggap ng tulong mula sa DSWD.

Base sa aking mga nakalap na inpormasyon, ang TOTALLY DAMAGE ay makakatanggap ng dalawampung libong piso (Php 20,000) samanatalang ang PARTIALLY DAMAGE tatanggap ng sampunglibong piso (Php 10,000).

Sa aking pananaliksik, mayroon daw'ng PARTIALLY DAMAGE ngunit ginawa itong TOTALLY DAMAGE upang ito ay makatanggap ng dalawampung libong piso (Php 20,000) at pagkatapos makuha ng benepisyaryo ang halagang ito ay kukunin naman ng kapitan ng barangay ang limang libong piso (Php 5,000). Ngunit bakit at para saan?

Isang malaking tanong ngayon ang naglalaro saking isipan. Masusulosyonan kaya ng ating gobyerno ang ganitong uri ng pandarambong o magbubulag-bulagan na lamang ba tayo sa katotohanan habang ninanakawan ng ilan ang kaban ng bayan?